Sinisilip ng Russia at Pilipinas ang mga posibleng pagtutulungan sa militar kabilang na ang pagbili ng mga kagamitan at teknolohiyang Russian para sa defense modernization ng Manila.

Nitong unang bahagi ng linggo, nakipagpulong ang mga opisyal mula sa Russian Federal Service for Military-Technical Cooperation (FSMTC) kina Philippine Ambassador to Russia Carlos D. Sorreta, at Third Secretary and Vice Consul Luningning Camoying, ang Political Officer ng Embassy, upang talakayin ang kagamitan at teknolohiyang militar ng Russia, mga isyu ng pagsasanay, after-sales service at maintenance, pagsasalin ng teknolohiya, pamumuhunan sa domestic military production at servicing, at iba’t ibang paraan ng pagpopondo.

Inilarawan ni Ambassador Sorreta ang pakikipagpulong sa Russian officials na “quite revealing.”

Ito ay kasunod ng pagbisita kamakailan sa Moscow ng isang delegasyon ng Department of National Defense sa pamumuno ni Undersecretary for Finance Raymundo De Vera Elefante, na nakipagpulong sa mataas na opisyal ng Russian defense, kabilang na ang mga opisyal mula sa FSMTC. (Roy C. Mabasa)

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national