MALACCA, MALAYSIA — Naisalansan ng Perlas Pilipinas ang ikatlong sunod na dominanteng panalo nang durugin ang Vietnam, 134-56, Huwebes ng gabi para patatagin ang kampanya sa SEABA Women’s Championship sa Bukit Serendit Indoor Stadium.
Nanguna si Janine Pontejos, kinuhang kapalit ng nagkasakit na si Ewon Arayi, sa Perlas sa naisalpak na 23 puntos, tampok ang pitong three-pointer para mas paangatin ang kumpiyansa ng Filipinas bago makaharap ang mahigpit na karibal na Indonesia Biyernes ng gabi.
Nakuha ng Perlas ang pinakamalaking bentahe na 75 puntos, 129-54, sa huling three-pointer ni Pontejos may dalawang minuto ang nalalabi sa laro.
“We won’t be having this easy win if not for those players who committed to play good defense. I really like the effort we’ve shown on defense,” pahayag ni Perlas coach Patrick Aquino.
Iskor:
Perlas (134) – Pontejos 23, Tongco 22, Sambile 20, Abaca 18, Lim 17, Bernardino 14, Almazan 12, Resultay 10, Cabinbin 8, Dy 8, Gupilan 8, Animan 8.
Vietnam (56) – Bui 15, N. Nguyen 13, Linh 14, Pham 12, Dang 11, T. Nguyen 10, Pham 9, Nguyen 6, T. Tran 8, C. Tran 7, Vo 1.
Qurterscores:
26-8; 41-14; 28-19; 39-15