Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

3 n.h. -- Mahindra vs Meralco

5:15 n.h. -- Talk ‘N Text vs Phoenix

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Liyamado sa posisyon ang top seed Talk ‘N Text Katropa at No.4 seed Meralco Bolts, ngunit walang puwang ang kumpiyansa sa kanilang pakikipagtuos sa karibal sa quarterfinal match up ngayon sa OPPO-PBA Governors Cup sa Ynares Sports Arena sa Antipolo City.

Taglay ang ‘twice-to-beat’ advantage sa serye, kailangan lamang ng Tropang Texters at Bolts na magwagi ngayon kontra No.8 seed Phoenix at No.5 seed Mahindra, ayon sa pagkakasunod para makasikwat ng slot sa Final Four.

Magtatapat ang Tropang Texters at Fuel Masters ganap na 3:00 ng hapon kasunod ang pagtutunggali ng Bolts at Enforcers sa 5:15 ng hapon.

Tatangkain ng Bolts na maulit ang 86-83 panalo kontra Mahindra noong Setyembre 11 upang pormal na makatuntong ng semifinal.

Sa tampok na laban, sisikapin ng Katropa na mapangalagaan ang posisyon at maduplika ang 124-117 panalo noong Agosto 19. (Marivic Awitan)