WASHINGTON (Reuters) – Nag-leak sa Internet ang imahe ng sinasabing scanned copy ng pasaporte ni U.S. first lady Michelle Obama nitong Huwebes kasama ang mga personal email ng isang staff ng White House na nagtrabaho sa presidential campaign ni Hillary Clinton.

Hindi pa makumpirma kung tunay ang passport o ang mga kaugnay na dokumento. Ito ang huli sa mga sensitibong materyal ng ikinalat ng mga hacker na pinaghihinalaan ng U.S. intelligence officials na may kaugnayan sa Russia.

Tumangging magkomento ang White House nitong Huwebes sa validity ng mga dokumento, ngunit sinabi ni spokesman Josh Earnest na seryoso itong tinitingnan ng administrasyon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'