DAPA, Siargao Island, Surigao del Norte – Nasa 112.42 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,326,556 ang nakumpiska sa serye ng police operation sa bayan ng Dapa sa Siargao Island, Surigao del Norte nitong Miyerkules, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Chief Supt. Rolando B. Felix, Police Regional Office (PRO)-13 director, na naaresto rin sa anti-drug operations ng pulisya sina Revie Dulgime, Estrella Oposa Parpa, Jarehcris Octabiano Paulino, at Jhunrey Compasivo Blasé, pawang nasa hustong gulang at taga-Dapa.

Sa bisa ng search warrant, nasamsam mula kay Dulgime ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P141,556 at isang .45 caliber pistol, habang isang sachet ng hinihinalang shabu na may 100 gramo (P1,180,000) dalawang timbangan at drug paraphernalia ang nakuha kay Parpa, ayon kay Felix.

Sa hiwalay na operasyon, narekober naman kina Paulino at Blasé ang isang sachet ng hinihinalang shabu (P5,000).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Mike U. Crismundo)