NEW YORK (PNA/Kyodo) – Pinagtibay ng UN Security Council nitong Biyernes ang isang resolusyong isinulong ng Amerika na nananawagan sa agaran at pandaigdigang implementasyon ng isang 20-anyos na tratado na nagbabawal sa alinmang nuclear weapons test.
“Our action today can give people everywhere (hope) that a world without nuclear weapons might actually be possible and that we’re going to do everything responsible in our capacity to be able to make that day a reality,” sinabi ni US Secretary of State John Kerry.
Pinagtibay ang nasabing resolusyon sa pamamagitan ng 14 na botong pabor dito at may isang abstention mula sa Egypt.