Umalma si Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta sa alegasyong pinuwersa nila si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino upang tumestigo kontra kay Senator Leila de Lima.

Itinanggi ni Acosta na ginigipit nila si Marcelino at sinabing isang “privileged o confidential information” ang text message ni Marcelino sa kanyang mistah.

Kamakailan, binanggit ni De Lima sa ipinatawag nitong press conference na pinupuwersa umano si Marcelino upang mag-imbento ng istorya para idiin ang senadora sa kalakaran ng ilegal na droga.

Kaugnay nito, hiniling naman kahapon ni Marcelino sa Manila Regional Trial Court na ibasura ang drug case na ibinasura na ngunit muling isinampa laban sa kanya ng Department of Justice (DoJ), dahil sa kawalan ng probable cause.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Personal na nagtungo kahapon si Marcelino sa Manila RTC Branch 17, kasama si Acosta, upang magsumite ng Urgent Ad Cautelam Omnibus Motion, at hiniling na suspendihin ang warrant of arrest na inisyu ng hukuman laban sa kanya at sa kanyang kapwa akusado na si Yani Yo Shuo. (Rommel Tabbad at Mary Ann Santiago)