demi-at-joe-copy

ITO ang Camp Rock reunion na hindi mo inaasahan.

Ang dating Disney Channel actors at magkaibigan na dating magkasintahan na sina Demi Lovato at Joe Jonas ay na-trap sa loob ng elevator.

Nagkasama sa loob ng apat na oras sina Lovato, 24, at Jonas, 27, sa isang gusali sa Los Angeles, ayon sa Snapchat post ni Joe noong Huwebes. Makikita rin ang kanyang DNCE bandmates na sina JinJoo Lee at Cole Whittle sa background.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

 “Been stuck in here for 4 hours,” caption ni Jonas sa kanyang Snapchat video.

Nakalabas mula sa pagkakakulong sa elevator ang Camp Rock co-stars bago nagtanghal si Demi at ang DNCE sa eksklusibong concert para sa mga miyembro ng Marriott Reward sa L.A Live kinagabihan ng nasabing araw.

“It’s really great because we all really bonded when we were younger and toured together,” saad ni Demi sa People bago siya umakyat sa entablado.

“We’ve all watched each other evolve and grow up, and we’ve been able to be there for one another. It’s awesome,” aniya, at idinagdag na, “It’s great to have friends who are supportive instead of red carpet friends,” ani Lovato.

“It feels great and they’re family.” 

Nitong unang bahagi ng buwan, na-trap din ang magkapatid na Jenner sa elevator nang dumalo sila sa New York Fashion Week at nai-record ang 20-minute crisis sa Snapchat ni Kylie, na tinawag niyang “worst nightmare.” (People.com)