jennylyn-copy

KAHIT anong pangungulit namin kay Jennylyn Mercado kung sino ang magiging leading man niya sa My Love From The Star ay hindi niya kami sinagot dahil bawal daw siyang magsalita kasi hindi pa naman opisyal.

Pero inamin ng aktres na kasama siya sa isinagawang audition, kaya nakita niya kung sinu-sino ang posibleng maging leading man niya.

“Basta moreno po siya, ayoko nang magsalita, basta tingnan na lang n’yo, kasi baka ilalabas na rin siya soon,” sabi ni Jennylyn.

Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral

Hmm, mukhang inililigaw kami ng aktres dahil ang kuwento ng aming source ay mestisong Pinoy-Espanyol ang isa malakas ang potensiyal na maging leading man niya.

Samantala, walang pelikula ngayong Metro Manila Film Fesival si Jennylyn, kaya nanghihinayang siya na hindi sila kasali pagkaraan ng dalawang taong magkasunod na may entry siya -- at nanalo pa siyang best actress.

Kaya biniro namin ang aktres ng, ‘Give chance sa iba na maging best actress.’

“Hindi naman po, pahinga lang. Hala, confident si Ate,” tumatawang sabi ni Jen.

Bakit wala siyang entry, dahil walang nag-alok?

“Meron naman, kaya lang po nagkaroon ng problema sa schedule. Dapat kasi sisimulan na namin ‘yung soap sa GMA, eh, kaya lang po, na-delay kaya nu’ng time na ‘yun, hindi namin tinanggap ‘yung movie kasi kung magso-soap ako ‘tapos may movie pa, gusto ko naman sanang mag-focus sa soap kasi baka haggard-haggard-an na naman ako,” paliwanag ng aktres.

Hindi sinagot ni Jennylyn ang tanong namin kung sino ang makakasama niya sa pelikula, pero ang duda namin ay ito ‘yung dapat na gagawin niya sa Star Cinema with Coco Martin na hindi nga natuloy.

Sa Oktubre na ang umpisa ng taping ng My Love From The Stars na ididirihe ni Binibining Joyce Bernal.

Nabanggit din ni Jennylyn na sa tagal maumpisahan ang serye ay nawala na ‘yung original cast na tumanggap na ng ibang project. Kaya ngayon, hindi niya alam kung sinu-sino na ang makakasama niya. (REGGEE BONOAN)