Itatampok ang pamosong “Inaul” fabric ng mga Muslim sa Mindanao sa Miss Universe Pageant na gaganapin sa bansa sa susunod na taon, inihayag ng mga opisyal nitong Biyernes.

Ayon sa organizers, rarampa ang mga kandidata suot ang pamosong telang “Inaul” sa pageant night.

Ang makulay na telang “Inaul” ay karaniwang gawa ng kababaihang Moro sa Katimugan ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Tourism (DoT-12), hitik sa kasaysayan ang ilang siglo nang tradisyon ng paghahabi sa Mindanao.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Para sa mga katutubo at mga Muslim, ang paghahabi ay isang pagpapahayag ng kanilang natatanging kultura at pagkakikilanlan.

Sinabi ni Regional Secretary Ayesha Mangudadatu Dilangalen ng DoT sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (DoT-ARMM) na lumutang ang pagsama sa telang “Inaul” sa gaganaping international event matapos bumisita ang sikat na Filipino fashion designer na si Renee Salud sa booth ng ARMM sa idinaos na Philippine Travel Mart. (PNA)