Malubhang nasugatan ang isang hukom at ang kanyang pulis na driver-bodyguard makaraan silang tambangan ng mga hindi kilalang suspek sa Butuan City, Agusan del Norte, kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Agusan del Norte Police Provincial Office (ANPPO), dakong 7:00 ng umaga nang mangyari ang pananambang sa Purok 3, Barangay Lemon, Butuan City.

Sinabi ni Insp. Ronilo Dormitorio, hepe ng Butuan City Police, na ginagamot sa ospital sina Judge Hector Salisi, may asawa, ng Bgy. Dagohoy, Butuan City at nakadestino sa Bayugan City; at PO1 Edmund Narvassa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, patungong Bayugan ang hukom nang pagsapit sa Bgy. Lemon ay hinarang sila ng gray na Montero Sports at pinagbabaril ang sasakyan. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar