Nakatakdang busisiin ng United Nations Committee on Economic, Social and Cultural Rights sa susunod na linggo ang pagtalima ng Pilipinas sa obligasyon nitong tumupad sa karapatang pantao sa ilalim ng International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR).

Ang ICESCR ay isang multilateral treaty na pinagtibay ng UN General Assembly noong Disyembre 16, 1966, at ipinatupad noong Enero 3, 1976, sa layuning tiyakin na naipagkakaloob ang economic, social, at cultural rights sa Non-Self-Governing and Trust Territories at mga indibiduwal.

Ang tratado ay bahagi ng International Bill of Human Rights at isa ang Pilipinas sa 164 na estado na nagratipika sa ICESCR kaya obligado itong sumailalim sa regular na review ng Committee—na binubuo ng 18 independent human rights experts mula sa iba’t ibang dako ng mundo.

Isinasapubliko ang mga pulong ng Committee at idaraos sa Setyembre 28-29 sa Room XVI ng Palais des Nations sa Geneva, at ipalalabas ang findings sa Oktubre 10.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na inimbitahan niya si UN Secretary General Ban Ki-moon, ang mga rapporteur at mga opisyal ng European Union upang imbestigahan ang mga pagpatay sa mga sangkot sa droga sa bansa.

“Ipadala n’yo ang pinakamagaling n’yo, but bigyan n’yo ako ng panahon. Pagkatapos n’yo ako naman ang magtanong. Kasi kapag hindi n’yo ginawa ‘yan, magkagulo tayo dito sa Pilipinas,” ani Duterte.

Ipadadala na ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga imbitasyon sa susunod na linggo.

(Roy C. Mabasa at Genalyn D. Kabiling)