BAGUIO CITY – Isang babaeng manikyurista, na sumuko kamakailan bilang tulak ng droga, ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa harap mismo ng kanyang asawa, paslit na anak, at kanyang kostumer sa may Hangar Market sa siyudad na ito.

Nabatid na kasama ni Chona Oliveros,47, ng San Luis Extension, Baguio City, ang kanyang limang taong gulang na anak at nasa hindi kalayuan ang kanyang live-in partner, nang tatlong beses siyang barilin ng suspek dakong 11:30 ng umaga nitong Huwebes. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar