Sugatan ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng ‘di kilalang suspek habang hinihintay ang kanyang kinakasama sa Intramuros, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot ngayon sa ospital ang biktimang si Lucila Ondan, 44, tubong Cabanatuan, Nueva Ecija at walang tiyak na tirahan sa Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mark Xyrus Santos, ng Manila Police District (MPD)-Station 5 kay Station Commander Police Supt. Albert Barot, nabatid na nakatayo ang biktima sa Legazpi Street, Intramuros at hinihintay ang kanyang live-in partner na si Arman Mendoza, 45, dakong 9:30 ng gabi nang bigla umano siyang lapitan at saksakin ng suspek sa likod bago umalis.

Isinugod ni Arman sa isang ospital ang biktima upang agad malapatan ng lunas.

Isang dekada, kailangan para maisaayos educ crisis sa bansa—EDCOM2

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek, gayundin ang motibo sa pananaksak. (Mary Ann Santiago)