alden-as-lakan-copy-copy

NAKAKATUWA ang reaction ng Encantadiks na lagging bitin sa guesting ni Alden Richards sa Encantadia. Nakakailang eksena pa lang kasi ang aktor at maiiksi pa naman. Tanong nila kay Direk Mark Reyes, hanggang kailan sila mag-aabang na mapanood nang matagal-tagal si Alden bilang si Lakan?

Three weeks ang sinabing guesting ni Alden sa Encantadia, naka-three days na siya, kaya 12 days na lang ang natitira.

Wish ng viewers, huwag silang ma-disappoint at hindi masayang ang kanilang pag-aabang.   

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Samantala, nakalulungkot naman ang iniisyu ng ibang bashers kay Alden at pagtawag sa kanya na “non-degree holder” dahil hindi pa nga siya nakakatapos sa pag-aaral.

Kinailangang tumigil sa pag-aaral si Alden nang pumanaw ang kanyang ina at pumasok sa showbiz para matulungan ang kanyang pamilya at para na rin matupad ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya na maging artista.

Kaya lang, may mga walang magawa at ipinamumukha kay Alden na wala pa siyang natapos. Mabuti na lang at hindi sila pinapatulan ni Alden na tuluy-tuloy lang ang trabaho. In fact, may bago na naman silang endorsement ni Maine Mendoza at sunud-sunod ang shows dito at sa ibang bansa.

Anyway, hindi lang positive feedback at good reviews ang nakukuha ng nagbalik na Encantadia, tumataas din ang ratings nito sa viewer-rich Urban Luzon at sa National Urban Philippines. Ayon ito sa data mula sa Nielsen TV Audience Measurement.

Based on people data for NUTAM (National Urban Television Audience Measurement), Encantadia scored a rating of 10.8 percent from September 5 to 9, followed by an even stronger average of 11.2 percent for September 12 to 16 (based on overnight ratings).

In Urban Luzon, Encantadia posted a rating of 12.4 percent from September 5 to 9, and a rating of 12.8 percent in the following week.

Moreover, Encantandia took the number one spot in the overall list of top 10 programs in Urban Luzon for the period of August 15 to Sept. 16 with a people rating of 12.5 percent.

Mas nakakatuwang panoorin ang Encantadia hindi lang dahil sa guesting ni Alden kundi pati na rin sa pagpasok ng batang si PaoPao (Yuan Francisco), ang batang may hawak ng panglimang brilyante. (Nitz Miralles)