Puwedeng sambitin ni Makati City Mayor Abigail Binay ang kasabihang “akin ang huling halaklak” sa pagkaka-dismiss ng Commission on Elections (Comelec) sa electoral protest na inihain laban sa kanya ng nakatunggaling si dating acting Mayor Romulo “Kid” Peña, Jr.
Ayon sa abogado ni Binay na si Atty. Daniel Subido, natutuwa ang alkalde sa pagkakapanalo noong Mayo.
“Mayor Abby is thankful to the Comelec for seeing the protest filed by Peña for what it is, a sham pleading filed by a losing candidate who could not accept the reality of being soundly rejected by the Makati citizenry,” ani Subido.
Sa kautusan na may petsang Setyembre 20, 2016, inihayag ng Comelec First Division na “insufficiency in form and content” ang protesta ni Peña.
Magugunitang naging alkalde ng Makati si Peña matapos suspendihin at kalaunan ay dinismis ng Office of the Ombudsman si dating Mayor Junjun Binay dahil sa mga akusasyon ng katiwalian. (Bella Gamotea)