Dalawang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga at pawang ayaw magsisuko sa “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP), ang binaril at napatay sa makahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Dead on the spot sina Julius Casguejo, 38, at Ronald Bermano, 32, ng Barangay 178, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Si Casguejo ay pinagbabaril ng riding-in-tandem sa harapan ng isang simbahan sa Bagong Silang, habang siya’y papasakay sa kanyang motorsiklo, dakong 10:00 ng gabi.

Pasado 1:00 naman ng madaling araw, pinasok ng tatlong lalaking naka-bonnet ang bahay ni Bermano at pinagbabaril sa harap mismo ng kanyang asawa.

Mga armas ni Atong Ang, patatanggalan na rin ng lisensya—PNP

Kabilang umano sina Casguejo at Bermano sa drug watch list ng Caloocan Police Station dahil sa pagkakasangkot umano sa ilegal na droga.

Napag-alaman na pinakiusapan na ang dalawa na sumuko na sa Oplan Tokhang ngunit nagmatigas pa rin umano ang mga ito.

(Orly L. Barcala)