LINGAYEN, Pangasinan - Sampung katao na umano’y sangkot sa droga ang iniulat na napatay sa pamamaril sa magkakahiwalay na lugar sa Pangasinan, na karamihan ay naitala sa Dagupan City.

Sa tinanggap na report mula sa Pangasinan Police Provincial Office, dakong 9:35 ng gabi nitong Martes nang matagpuan ng pulisya ang bangkay ni Salvador Bulatao, tricycle driver, sa Guilig Street sa Barangay Pogo Chico, Dagupan.

Dakong 12:40 ng umaga ng Miyerkules naman nang pagbabarilin si Boyet Pangan, residente ng Bgy. Pogo Chico, sa New De Venecia Highway sa Pantal District, Dagupan.

Nasawi rin sa pamamaril sina Eddie Meneses, residente ng Barrera St., Dagupan; Jimbo Callanta, taga-Bgy. Pantal, Dagupan; Ramil Jimenez, ng Pantal District; at Joseph Tuates , 46, ng Salisay District, Dagupan City, pawang nasa drug watchlist.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa Lingayen, nasa target list din ng drug personalities ang pinaslang na si Mervin Casaclang, 47, bukod sa tatlo pang napatay sa pamamaril. (Liezle Basa Iñigo)