SAN FRANCISCO (AFP) – Sinabi ng Yahoo noong Huwebes na napasok ng hackers ang data ng 500 milyong users nito noong 2014, at nagpayong magpalit ng password.
“Based on the ongoing investigation, Yahoo believes that information associated with at least 500 million user accounts was stolen,” saad sa pahayag ng US Internet giant. “Yahoo is working closely with law enforcement on this matter.”
Kabilang sa mga impormasyon na maaaring nanakaw ay ang mga pangalan, email address, birth dates, at scrambled passwords, encrypted o unencrypted security questions at mga kasagutan na maaaring makatulong sa hackers na mapasok ang iba pang online accounts ng mga biktima, ayon sa Yahoo. Patuloy ang imbestigayson sa kaso.
Kaugnay nito ay pinayuhan ng kumpanya, nakabase sa Silicon Valley, ang mga user na hindi nakapagpalit ng password simula 2014 na gawin ang hakbang bilang precaution.