Maaari nang makapagrehistro ang mga botante sa kanilang mga barangay para sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), paiigtingin nila ang pagdaraos ng satellite registration sa bawat barangay sa bansa.
“We will be setting up satellite registration enters in every barangay to encourage more people to participate in the elections. This could be either in barangay halls, public or private schools, commercial establishments, detention centers, areas with indigenous communities, and other public places within the district, city or municipality,” wika ni Comelec Spokesperson James Jimenez.
Tatanggapin sa satellite offices ang mga aplikasyon para sa registration, transfer, reactivation, correction o pagpapalit, reinstatement at inclusion sa list of voters.
Idadaos ang voter’s registration mula Oktubre 3, 2016 hanggang Abril 29, 2017.
Bukas ang mga tanggapan ng Office of the Election Officer para sa mga nais magparehistro mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang na ang mga pista-opisyal. (Mary Ann Santiago)