Graduate ng University of Santo Tomas (UST) ang nanguna sa Physician Licensure Examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), si Jeri Charlotte Co Albano ng UST ang topnotcher sa may 2,899 passers ng pagsusulit, matapos na makakuha ng score na 89.50.

Pumangalawa naman sa kanya ang isa pang UST graduate na si Edwin Mark Lim Chiong (88.75).

Pasok rin sa Top 10 sina Rayan Abogado Oliva ng Saint Luke’s College of Medicine (88.67), Harold Henrison Chang Chiu ng UP Manila (88.58), Jose Kreisher Rae Bacosa Foscablo ng West Visayas State University-La Paz (88.50), Brian Jann Rubenecia Balanquit ng FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation (88.420), Kevin Ano Elomina ng DLSU-Health Sciences Institute at Jaffar Carag Pineda ng UST, na kapwa nakakuha ng (88.33), Kevin Michael Ramirez Yu ng UST (88.25), Gwyn Panes Celo ng West Visayas State University-La Paz (88.17) at Lorenz Kristoffer del Rosario Daga at Beverly Lynne Yao Ong, kapwa ng UST, at nakakuha ng score na 88.08.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nabatid na 3,695 ang kumuha ng pagsusulit sa mga lungsod ng Manila, Baguio, Cebu at Davao sa unang bahagi ng buwang ito.

Ang petsa at venue para sa oath-taking ceremony ng mga nakapasang examinees ay iaanunsyo na lamang umano ng PRC sa mga susunod na araw.

Inianunsyo naman nito na mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 4, 2016, ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration at ito ay isasagawa online.

Hinihikayat nito ang passers na bisitahin ang PRC website para sa intruksyon kaugnay ng kanilang initial registration. (Mary Ann Santiago0