WASHINGTON (Reuters) – Hindi imbitado ang Taiwan sa assembly meeting ng aviation agency ng United Nations, ang huling senyales ng panggigipit ng China sa bagong gobyerno ng isla na itinuturing nitong rebeldeng probinsiya.
Sinabi ng International Civil Aviation Organization (ICAO) na ang arrangements para sa assembly, nakatakda sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 7 sa Montreal, Canada, ay hindi sumunod ng naunang pulong noong 2013, nang hilingin ng China na imbitahan ang Taiwan.
“ICAO follows the United Nations’ ‘One China’ policy,” paliwanag ni Anthony Philbin, communications chief ng ICAO, sa isang email sa Reuters.
Ang diplomatically-isolated Taiwan ay hindi miyembro ng United Nations, na kinikilala ang China. Sa panig naman ng China, itinuturing nito na suwail na Taiwan na dapat bawiin sa pamamagitan ang puwersa kung kinakailangan, lalo na kapag kumilos ang isla tungo sa kasarinlan.