Papayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations (UN) at European Union (EU) na imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings na nagaganap sa bansa, kasabay ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ayon sa Pangulo, handa siyang igisa ng magagaling na abogado ng UN at EU hinggil sa drug-related killings, kung saan mas gusto niya ang ‘open forum’ upang masaksihan ng taumbayan ang imbestigasyon.

“I am inviting the United Nations, si Ban Ki-Moon… I am inviting the EU. ‘Yung pinakamahusay, send the best lawyer of your town, pati ang mga rapporteurs pumunta sila sa Pilipinas. I will write them a letter to invite them for an investigation,” ayon sa Pangulo sa kanyang pagbisita sa Misamis Oriental.

“But in keeping with the time honored principle of the right to be heard, matapos nila ako tanungin, tanungin ko sila. Isa-isahin ko sila in open forum, you can use the Senate, Folk Arts Center, whatever, everybody will be invited,” dagdag pa ng Pangulo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tiwala ang Pangulo na kaya niyang kontrahin ang mga alegasyong siya ang nasa likod ng extrajudicial killings.

“Tapos manoood kayo. Makita ninyo paano ko lampasuhin ang mga hiyawa na ‘yan,” ayon pa sa Pangulo.

“Unang tanong ko sa rapporteurs, I killed thousands ? What was the first name of the first victim? What happened? For what reason? How was it done? What time was it?” dagdag pa nito. (Genalyn Kabiling)