Sandaling nagsikip ang trapiko sa lugar na minamanduhan ng isang tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) makaraan itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang suspek sa Caloocan City, noong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Romeo Luxciano, 56, may asawa, traffic enforcer, ng Phase 10-B, Package 5, Block 36, Barangay 176, Bagong Silang, dahil sa mga tinamong tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Ayon sa report, dakong 6:30 ng gabi at abala sa pag-aayos ng trapiko si Luxciano sa Langit Road, Phase 4 at Phase 9 sa Bgy. 176 nang dumating ang tatlong lalaki, ang dalawa ay magkaangkas sa motorsiklo, habang ang isa ay solo sa motorbike.

Lumapit ang mga ito at pinagbabaril si Luxciano bago tumakas.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

May mga nagsasabing sangkot daw sa ilegal na droga sa kanilang lugar si Luxciano, na pinabulaanan ng pamilya nito.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan Police para matukoy ang motibo sa pamamaslang. (Orly Barcala)