Nangako si WBO welterweight champion Jessie Vargas ng United States na tatanghalin siyang bagong “superstar of boxing” pagkatapos niyang patulugin si eight-division world titlist Manny Pacquiao ng Pilipinas sa kanilang duwelo sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Bagama’t dehado siya kay Pacquiao sa papel, iginiit ni Vargas na magugulat ang mundo ng boxing sa kalalabasan ng resulta ng laban.

"I've always been waiting for this moment. Manny won't not surprise me and he does not scare me. It's a moment I've always expected. This is my moment and I will prepare for victory,” pahayag ni Vargas sa panayam ng EL Vocero sa Mexico.

Tangan ang kartang 21-1-0, tampok ang 10 via knockout, natikman ni Vargas ang tanging kabiguan kay dating WBO 147 lbs. champion Timothy Bradley sa desisyon noong 2015.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Dalawang ulit namang tinalo ni Pacman sa tatlong paghaharap si Bradley.

"Saul 'Canelo' Alvarez is a young boxer. But the new star [of boxing] has yet to be defined and on November 5 everyone will know who really has that position," sambit ni Vargas, nangakong patutulugin si Pacquiao sa isang suntok tulad ng ginawa ni Mexican Juan Manuel noong 2012.

Nagsasanay na rin si Pacquiao na may kartang 58-6-2, kabilang ang 38 pagwawagi sa knockout at nangakong muling magiging kampeong pandaigdig. (Gilbert Espeña)