HINDI lang si Kim Chiu ang iritable sa isyu na may reunion project sila ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson kundi pati na ang KimXi fans.
Agad na pinabulaanan ni Kim na may project na niluluto ang ABS-CBN para sa kanila ni Gerald.
“Hindi ko nga po alam kung saan galing ‘yon, eh. Kung sinu-sino na lang po, bina-bash na lang ako. Pero wala pa pong ganu’n,” naiinis na reaksiyon ng dalaga sa isyu.
Sa ngayon ay napapanood as host ng It’s Showtime si Kim, kaya naitanong din sa kanya kung magiging regular na siya sa Kapamilya noontime show.
“Natutuwa din ako mag-Showtime. Hindi naman ako (mainstay) doon. Pangdagdag lang habang wala pa ‘yung totoong host talaga,” na ang tinutukoy niya ay si Anne Curtis na nag-leave dahil abala sa ginagawang pelikula.
“Natutuwa naman ako,” aniya, sa reaksiyon sa kanya ng madlang pipol as host.
Kahit maraming naaaliw at napapasaya si Kim, hindi pa rin maiiwasang ma-bash siya sa ilang maliliit na pagkakamali.
“Walang script, so, sorry medyo tatanga-tanga din minsan. Pero natatawa naman sila,” pabirong sabi niya.
Tanggap ni Kim na hindi siya perfect host.
“Sabi ko, my gosh, napaghahalataan ‘yung totoong IQ ko. Wala namang taong perfect. At least napapatawa ko sila, napapasaya ko sila,” masayang wika ni Kim. (ADOR SALUTA)