Tinapos ng Jose Rizal University ang kampanya sa NCAA Season 92 sa matikas na 63-60 panalo kontra San Sebastian College kahapon sa pagtatapos ng elimination ng juniors basketball tournament sa San Juan Arena.
Nagtala ng double-double 22 puntos at 11 rebound si Toby Agustin bukod pa sa tig-isang block at steal upang pamunuan ang Light Bombers sa pag- angkin sa ikalimang tagumpay.
Dahil sa panalo tumapos ang JRU sa ikawalong puwesto na may 5-13 baraha. Nagtabla ang Light Bombers at University of Perpetual Help sa parehas na karta, ngunit umangat ang Junior Altas sa ikapitong puwesto sa winner-over-the other rule.
Nagtapos na topscorer para sa Staglets na bumagsak sa 2-10 sina Jericho Isidro at Daniel Rodriguez na may tig-14 puntos.
Sa isa pang laro, nakakasiguro na ang No.2 spot sa Final Four round, inilampaso ng Mapua ang Emilio Aguinaldo College-ICA, 112-75.
Natapos ng Red Robins ang eliminations na may barahang ,15-3, habang nagtapos naman ang Brigadiers sa 4-14.
(Marivic Awitan)