Ipinarada ng Far Eastern University-NRMF ang ‘human dynamo’ na si Clayton Crellin upang pabagsakin ang National Interclub champion Wang’s Ballclub, 85-74, sa 2016 MBL Open basketball tournament sa Aquinas gym sa San Juan.

Kaagad na nagpakitang-gilas si Crellin sa kanyang game-high 35 puntos para sa FEU-NRMF nina coach Pido Jarencio at manager Nino Reyes.

Ang dating Canadian College All-Star MVP na may seven-foot wing span at 37-inch vertical leap, si Crellin ay nagpabilab ng husto sa unang dalawang bahagi ng laro kung saan gumawa siya ng 23 puntos kabilang ang ilang daring drives at breakaway dunks.

Ang pinakamasayang sandali para kay Crellin ay naganap sa third quarter na kung saan sumulpot siya mula kawalan upang maagaw ang pasa ni veteran Mar Reyes at and makumpleto ang isang slam dunk.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si dating Globalport Batang Pier mainstay Roider Cabrera ay nag-ambag ng 14 puntos, habang ang 6-6 Nigerian center Moustapha Arafat at dating St. Clare College standout Milan Vargas ay nagdagdag ng tig siyam na puntos.

Si Jonathan Banal, ang 5-9 Mapua standout, ay gumawa ng 17 puntos para mamuno sa Wang’s Ballclub sa tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Si Banal, anak ni coach Koy Banal, ay umiskor ng anim na puntos sa 10-2 run kung saan tumabla ang Wang’s Ballclub sa iskor na 37-all.

Nakatulong ni Banal sina Jason Perez and Macky Acosta, na may 15 at 14 puntos para sa Mandaluyong City-based team ni coach Pablo Lucas.

Ang Globalport Batang Pier team manager na si Bonnie Tan ang nagsagawa ng ceremonial toss, katuwang sina MBL chairman Alex Wang at FEU-NRMF administrator Nino Reyes.

Iskor:

FEU-NRMF (85) - Crellin 35, Cabrera 14, Arafat 9, Vargas 9, Luanzon 5, Raymundo 4, Zamora 3, Asoro 2, Rodriguez 2, Gamboa 2, Billiones 0.

Wang’s Ballclub (74) -- Banal 17, Perez 15, Acosta 14, Lasco 9, Flores 8, Montemayor 6, Publico 5, Reyes 0, Juruena 0, Pascual 0.

Quarterscores:

21-15, 43-39, 65-55, 85-74.