Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang bagyo na posibleng pumasok sa bansa bukas.
Sa impormasyon ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 2,140 kilometro sa silangan ng Mindanao taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 35 kilometro bawat oras at patuloy na nag-iipon ng lakas. Kapag tuluyang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR), papangalanan itong ‘Helen’, ang pang-walong bagyo ngayong taon.
Ayon sa PAGASA, kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo ay posibleng tatahakin nito ang mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong ‘Ferdie’. (Rommel P. Tabbad)