allen-at-ai-ai-copy

LILIPAD patungong Kazakhstan (dating Soviet republic) sina Ai Ai de las Alas at Allen Dizon para dumalo sa world premiere ng pinagbibidahan nilang pelikulang Area sa 12th Eurasia International Film Festival.

Aalis ngayong araw (September 23) sina Ai Ai at Allen, kasama ang director ng pelikula na si Louie Ignacio, producer na si Ms. Baby Go ng BG Productions International, at Sancho de las Alas (panganay na anak ni Ai Ai).

Ayon sa aming spy, excited nang umalis ang komedyana at isa sa host ng Sunday Pinasaya dahil ito ang kauna-unahang international film festival na dadaluhan niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sabi ni Direk Louie nang makausap namin few months ago, “I’m praying na mapansin ng mga foreign jury si Ai Ai. I’m really excited for her. Ibang-iba siya sa movie. I’ve seen some scenes. It’s not the usual na napapanood natin sa kanya. Nag-exert talaga siya ng effort para mabago ang akting niya. Ang husay niya sa pelikula at masaya-masayang ako for her.

Nangarap din naman ang Comedy Concert Queen na mapansin abroad at manalo ng isang international best actress award.

Ito na nga kaya ang katuparan ng matagal nang inaasam ni Ai Ai?

Samantala, hindi na bago kay Allen ang film festivals abroad. He has won strings of international acting awards for Magkakabaung.

At ang latest, ginawaran siya ng best actor para sa Iadya Mo Kami (Deliver Us) ni Direk Mel Chionglo sa katatapos na 13th Salento International Film Festival sa Tricase, Italy kasabay ng pagkakahirang sa Ang Babaeng Humayo ni Direk Lav Diaz sa 2016 Venice International Film Festival (VIFF); at Pamilya Ordinaryo ni Direk Eduardo Roy, Jr. sa Venice Days (isang autonomous section ng VIFF).

Pagkatapos ng Salento IFF, lilipad uli si Allen patungong Germany sa Oktubre na nominado uli ang dating sexy star for best actor sa isang international film festival doon para sa Iadya Mo Kami (Deliver Us) na ang role niya ay isang wayward priest na nahaharap sa isang moral dilemma. (LITO MAÑAGO)