DANANG, Vietnam -- Hindi pa man opisyal na nagsisimula ang Asian Beach Games dito, sigurado na ang Team Philippines sa dalawang bronze medal sa muay event.

Nakamit nina Philip Delarmino at Jonathan Polosan ang awtomatikong bronze medal sa bantamweight at light welterweight division matapos magwagi via default Huwebes ng gabi laban kina Uzbekistan’s Diyorbek Turumov at Islam Asenbaev, ayon sa pagkakasunod.

Magsisimula ang torneo sa opening athletes parade Sabado ng gabi.

Target ni Delarmino ang championship slot kontra sa magwawagi sa laban ng Korean at Kazakhstan, habang asam ni Polosan na makausad sa finals laban sa mananalo sa laro sa pagitan ng Korea at Thailand.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagsimula ang muay nang mas maaga bago ang opening ceremony. Ginapi ni Delarmino si Resul Arashov ng Turkmenistan, habang nakakuha ng bye sa first round si Polosan.

Nabigo naman ang kababayan nilang sina Jamal Mandani at Arlyn Ranes.

Magsisimula rin ngayon ang aksiyon sa marathon swimming kung saan pambato ng bansa si Singapore Southeast Asian Games triathlon gold medalist Ma. Claire Adorna at Dale Evangelista.

Kumpiyansa si Evangelista sa kampanya sa swimming kung saan sasabak din si Olympian Jessie Khing Lacuna sa 10km swim sa Linggo.