36 Olympics Sports, prayoridad sa pondo ng PSC.

Nakatuon ang pamahalaan sa unang gintong medalya ng bansa sa 2020 Tokyo Olympics.

Bunsod nito, ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na prioridad sa pondo ng ahensiya ang 36 Olympic sports.

Aniya, walang dapat ipagamba ang mga sports association, higit ang mga Olympic sports sa kinakailangang pondo para sa kanilang pagsasanay at paglahok sa mga torneo sa abroad, tampok ang mga Olympic qualifying event.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Ramirez ang pagpapasigla sa mga programa ng NSA ay bahagi sa bagong direksiyon na target ng PSC sa ilalim ng Philippine Sports Institute (PSI).

Nakatakdang sumabak ang Philippine Team sa 2017 Kuala Lumpur Southeast Asian Games, 2018 Indonesia Asian Games, 2019 Manila SEA Games bago ang 2020 Tokyo Olympics.

“We will prioritized the Olympic sports, hindi na iyung 10 lang” sabi ni Ramirez. “Dodoblehin natin ang mga pondo nila for them to set-up their trainings, preparations and programs para sa mas maraming atleta natin ang makakapag-qualify sa 2020,” pahayag ni Ramirez.

May kabuuang 53 national sports associations (NSA’s) sa nasa ilalim ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pinuponduhan ng PSC sa kanilang taunang programa.

Iginiit ni Ramirez na tapos na ang ‘palakasan system’ at ipinangako na makakamit ng atleta ang suporta na hindi na kailangang pang dumaan sa ‘red tape’.

“Wala nang palakasan,” ayon kay Ramirez. “Once the PSI gets going, our priority were the national athletes especially the Olympic hopefuls. Bibigyan natin sila ng suporta at pangangailangan nila sa nutrisyon, physiology at strength and conditioning,” aniya. (Angie Oredo)