Muling bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration sa Oktubre 3 at target na makapagrehistro ng panibagong limang milyong bagong botante para sa 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“We are only waiting for the law on the postponement (of BSKE) to be signed. The Commission is ready to register and estimated additional 5 million voters starting October,” pahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Una nang sinabi ng Comelec na kung matutuloy ang postponement ng BSKE, na nakatakda sanang idaos sa Oktubre 31, 2016, ay muli silang magdaraos ng voter’s registration.

Aniya, sa ngayon ay plano nilang isagawa ang pagtatala ng mga bagong botante sa Oktubre 3 na magtatagal hanggang sa Abril 29, 2017.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa kabilang dako, inianunsyo rin ni Jimenez na pormal na nilang sinuspinde ang lahat ng isinasagawa nilang preparasyon para sa 2016 BSKE, sa pamamagitan nang inilabas nilang Comelec Resolution 10164, matapos na magpasa ng panukala ang Kongreso na nagpapaliban sa naturang halalan.

Kabilang sa mga preparasyong itinigil ay ang public bidding at pagbili ng mga election paraphernalia.

Itinigil ng Comelec ang pag-iimprenta ng mga official ballots noong Agosto 26 matapos makapag-imprenta ng 411,000 balota para sa mga lalawigan ng Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Tiniyak ng Comelec na hindi masasayang ang mga naturang naimprentang balota dahil maaari pa naman itong gamitin sa susunod na taon. (Mary Ann Santiago)