Hihilingin na rin ng Philippine Sports Commission (PSC) na masaksihan ang legal na proseso at makadalo sa pagsasagawa ng eleksiyon ng mga national sports associations (NSA’s) upang matiyak na batay sa kanilang bylaws ang kaganapan.

Ipinahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez matapos ang isinagawang Intersection Meeting sa Century Park Sheraton kung saan nagpatuloy ang mainiting diskusyon sa pagitan ng mga nagbabangayan na lider ng mga NSA.

“We have visitorial and monitoring authority to all the NSA’s so we might as well observed the proceedings and see what happen in their election,” sambit ni Ramirez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinukoy din ni Ramirez ang ilang NSA’s na ilang beses nagpalit ng kanilang pangulo sa nakalipas na dalawang taon tulad sa asosasyon ng archery na dating kinikilala bilang Philippine Archer’s National Netwrok Alliance (PANNA) subalit nagpalit na sa bagong pangalan bilang World Archery Philippines.

Isa umano ang ganitong proseso sa loob ng mga NSA’s na nagpapahirap sa ahensya para habulin ang mga dating opisyales ng asosasyon sa mga ‘unliquidated’ na pondong nakukuha sa pamahalaan.

“We want to see their election procedure. We just want to observe, hindi naman kami puwedeng makialam how they conduct and elect their officer,” sabi ni Ramirez.

“We also received reports na wala na din eleksiyon sa ibang NSA’s kundi nalilipat na lamang sa mga kamag-anak o kaya sa malalapit na kaibigan,” aniya. (Angie Oredo)