sharon_cuneta-copy-copy

MARAMI ang nagulat nang banggitin ng isa sa mga witness ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na si Rodolfo Magleo na kasama si Sharon Cuneta sa nag-perform sa New Bilibid Prison (NBP) kasama sina Ethel Booba, Mocha Girls, at Freddie Aguilar, sa pagdinig sa House of Representatives noong Martes, Setyembre 20 tungkol sa talamak na droga sa loob ng kulungan.

Si Magleo ay kasalukuyang nakakulong sa maximum security ng NBP sa kasong kidnapping. Nabanggit pa ng witness na tinawag na Little Las Vegas ang nasabing kulungan dahil sa maraming mga nagaganap sa loob.

Agad tiningnan ng mga katoto ang social media accounts ni Sharon sa pagbabaka-sakaling may sagot siya sa kuwentong ni Mr. Magleo, pero ang sabi ni Katotong Maricris Nicasio ay noon pang Setyembre 10 ang huling post ng Megastar.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pero agad nang naglabas ng official statement ang asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan ilang oras pagkatapos ng pandinig sa kanyang sariling official blog site na Kiko Pangilinan.

Aniya, “On July 10, 2012, Sharon went to the New Bilibid Prison for the taping of her talk show, Kasama Mo Kapatid, which had an episode featuring the life of inmates. She sang four songs for the closing portion, which is the customary format of the show. She sang Maging Sino Ka Man, Tubig at Langis, Kahit Konting Pagtingin, and Kahit Maputi Na ang Buhok Ko but only to support RockEd’s outreach program for prisoners.

However, if people who heard the testimony at the House this morning are interested, my wife will have a special concert on October 15 and 22, 8 p.m. at the Theatre at Solaire. We are sure that this concert will be livelier and more enjoyable than the outreach program in Bilibid.”

Ayon pa sa hubby ng megastar, libre ang nasabing performance ni Sharon para sa inmates.

Samantala, nag-react naman na si Ethel Booba sa pamamagitan ng Twitter account niya tungkol sa sinasabing kasama siya sa performer sa NBP.

Post ni Ethel, “Sa mga nagtatanong if nag-perform ako sa New Bilibid Prison ang sagot po ay nasa loob ng #Charotism book. Bili po kayo para masagot. Charot!

“Ang dami nag-tweet, sabi magsalita na daw ako. Hello, HEARING po ‘yan not SPEAKING. Makinig na lang tayo. Charot! #CongressHearing.”

Sabay pakita ni Ethel ng mga schedule ng shows niya sa ibang bansa.

Samantala, wala pang lumalabas na reaksiyon mula kina Mocha at Ka Freddie tungkol sa sinabing kasama sila sa mga naimbitahang mag-perform sa NBP. (Reggee Bonoan)