Ginapi ng San Beda-A Red Lions at Far Eastern University Tamaraws ang kani-kanilang karibal nitong weekend para patatagin ang kampanya na makausad sa quarterfinal ng 4th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa St. Placid gym ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola, Manila.

Ratsada si Cameroonian Eugene Toba sa naiskor na 32 puntos para sandigan ang Red Lions sa 83-66 panalo kontra Letran-A Knights para sa ikalimang sunod.

Nanguna sina transferees Rendell Senining, Hubert Cani, Arvin Tolentino at JR Parker sa natipang double digits sa panalo ng Tams laban sa University of Perpetual Help-Molino Altas.

Nanatiling nasa pedestal ang Red Lions sa Group B ng senior division, habang nakabuntot ang Tams na may 4-1 karta.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Nag-ambag sina Jeremer Cabanag at Clint Doliguez sa natipang 18 at 15 puntos para sa Red Lions.

Sa iba pang laro, pinangunahan ni Rich Guinitaran sa nakubrang 27 puntos ang Centro Escolar University-A sa 96-57 panalo kontra Perpetual Help-Molino.

Nagwagi ang FEU Baby Tamaraws sa San Beda-Rizal Red Cubs, 99-73, sa junior division, habang namayani ang Xavier School sa San Beda-Mendiola, 73-69.

Ayon kay Commissioner Robert de la Rosa, ang mangungunang apat na koponan sa Group A at B sa senior division ang uusad sa quarterfinal.