Laro Ngayon
(Bukit Serindit Indoor Stadium)
4 n.h. -- Vietnam vs Thailand
6 n.g. -- Singapore vs Laos
8 n.g. – Philippines vs Indonesia
MALACCA, MALAYSIA — Magaan ang naging kampanya ng Perlas Pilipinas sa unang dalawang laro at inaasahang hindi lalayo ang resulta nang kanilang laban sa Vietnam Huwebes ng gabi.
Ngunit, kontra sa Indonesian, inaasahang makararamdam ng pagkabahala ang Perlas sa pagpapatuloy ng Seaba Women’s Championship ngayong gabi sa Bukit Serindit Indoor Stadium dito.
Haharapin ng Filipinas ang Indonesians, gumapi sa Perlas sa nakalipas na Southeast Asian Games, ganap na 8 ng gabi.
Pangungunahan ang Indonesia ng 6-foot-5 center na si Gabriel Sofia, bayani ng koponan sa Singapore SEA Games.
Kumpiyansa naman si Perlas coach Patrick Aquino na magagamit ng koponan ang momentum na nabuo sa impresibong panalo kontra Singapore at Laos kung saan naitala nila ang kabuuang 173 puntos na bentahe sa panalo.
Ginapi ng Perlas, itinataguyod ng Blackwater, ang Singapore, 69-43, sa simula ng liga bago pinulbos ang Laos, 179-32, Miyerkules ng gabi. Nakatakdang harapin ng Perlas ang Vietnam Huwebes ng gabi, ngunit liyamado ang Filipinas sa laban.
“We have to be wary of the quotient, but more than anything else, it’s a way to preserve our starting unit for the bigger games to come and allow the other players to build their confidence, especially the newcomers,” sambit ni Aquino.