Ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang abolisyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kapag hindi nahinto ang korapsyon sa tanggapan.
Ang babala ay ipinalabas ng Pangulo, kasunod ng appointment ni Jose Jorge Corpuz bilang chairperson ng PCSO.
Ayon sa Pangulo, inatasan na nito si Corpuz na i-overhaul ang PCSO at patalsikin ang mga scalawag sa ahensya.
“I hope things will improve. But sinabi ko you have to make a study.” Ayon sa Pangulo.
“If I am not satisfied that it can really prevent corruption, I will recommend the abolition of the PCSO,” dagdag pa nito.
Ganito rin ang babala ng Pangulo sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).
“Itong sa Customs, BIR, it will be history. I am warning the people there, either you stop or you will become part of history,” banta ng Pangulo. (Elena L. Aben)