Sigurado ang presidential pardon sa pwersa ng pamahalaan na makakapatay ng maraming kriminal na sangkot sa ilegal na droga.

Bukod sa pardon, mapo-promote pa umano ang mga ito, ayon sa Pangulo nang dumalaw ito sa kampo ng militar sa Compostela Valley.

“For as long as there is the power to pardon sa Constitution, ‘yan ang weapon ko against crime,” ayon sa Pangulo.

“Mag-massacre kayo ng isang daan, isang daan din kayo, eh ‘di pardon lahat kayo. Restore to full political and civil rights plus a promotion to boot. Basta gano’n mga—lalo na high profile,” dagdag pa nito.

Probinsya

Dalawang paslit sa Leyte, pinagtataga ng step-father, patay; nanay, kritikal!

Sinabi ng Pangulo na walang militar o pulis na mabubulok sa kulungan dahil sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga. “Ako ang magpakulong,” pagtiyak ng Pangulo. (Genalyn Kabiling)