Papayagan na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na bumalik sa Libya ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na dating nagtrabaho roon.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, maaari na ulit magtrabaho ang mga OFW sa Libya matapos ibaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 2 mula sa level 3 ang alert status sa nasabing bansa dahil sa digmaan.

Kasabay nito, hinihikayat ang mga gustong mag-apply, na maaaring buksan ang website ng POEA upang malaman ang panuntunan kung papaano makabalik sa Libya.

Sa ilalim ng alert level 2, pinapayagan lamang ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga balik-manggagawa o mga OFWs na may dati nang kontrata, na makabalik sa kanilang host country. (Mina Navarro)

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race