Nanatiling malinis ang karta ng defending champion National University at University of the Philippines sa men’s division matapos magwagi sa magkahiwalay na laro sa UAAP Season 79 badminton tournament kahapon sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Pinulbos ng Bulldogs ang De La Salle Archers, 4-1, sa rematch ng nakalipas na Finals, habang nanaig ang Fighting Maroons sa University of Santo Tomas, 4-1, para sa ikatlong sunod na panalo.

Impresibo ang NU na nahila ang winning streak sa 21 mula noong 2014.

Ginapi ng Ateneo ang University of the East, 5-0, para masolo ang ikalawang puwesto na may 2-1 karta, habang nilupig ng Far Eastern University ang Adamson, 4-1.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman