Hindi mangingiming ilagay sa martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa, kung siya na ang Chief Executive noong panahong maglipana ang ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang binigyang diin ng Pangulo, habang nasa kasagsagan ang pagdinig ng House Committee on Justice, kung saan itinuturo ng mga testigo si Senator Leila de Lima sa illegal drugs.

“Saan tayo makakita a country allowing the drug syndicates to operate inside the Muntinlupa at directing the traffic?” ayon sa Pangulo sa pagbisita nito sa military camp sa Compostela Valley nitong Martes.

“Ako sa totoo lang kung ganon, if I were the President that time, I would have declared martial law. Tutal there is really a rebellion dito,”dagdag pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagdinig, sinasabi ng high profile inmates na binibigyan nila ng milyong drug money si De Lima noong Justice secretary pa lamang ito.

Sinabi ng Pangulo na “It would be unfair to say that si De Lima was into drug trafficking but by implication kasi she allowed them through her driver (Ronnie Dayan) pati sila (Justice undersecretary Francisco) Baraan.” (Elena Aben)