Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Koreanong pugante matapos magtago ng 14 na taon sa Pilipinas upang takasan umano ang kasong kinakaharap kaugnay sa panggagantso ng mahigit $1.4 million.

Sa bisa ng warrant of deportation, pinosasan ng fugitive search unit (FSU) ng BI si Li Tae Young, 56, sa kanyang bahay sa AFPOVAI Subdivision, Western Bicutan, Taguig City.

“He was ordered deported for posing a risk to public safety and security, being a fugitive from justice,” pahayag ni BI Deputy Commissioner Al Argosino.

Inilista na rin ang dayuhan sa blacklist ng tanggapan upang maiwasan na muli itong makapasok sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Idinagdag pa na si Young ay isa nang overstaying at undocumented alien matapos mag-expired ang kanyang pasaporte, may 11 taon na ang nakalilipas.

Agad pauuwiin si Young sa Korea pagkatapos makumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento para sa kanyang deportasyon. (Mina Navarro)