MEXICO CITY (AP) – Kilala ng dalawang pari na pinatay sa Gulf coast state ng Veracruz ang mga salarin at nakainuman pa ang mga ito sinabi ng mga prosecutor noong Martes.
Ayon kay state prosecutor Luis Angel Bravo, nauwi sa hindi magandang usapan at naging “violent” ang pakik ipagsaya ng mga pari sa mga salarin na matapos ang karahasan ay tinangay ang perang nakolekta ng simbahan at ilang sasakyan.
Natagpuan ang bangkay ng mga pari na tadtad ng bala sa gilid ng kalsada noong Lunes. Hindi sinabi ni Bravo kung ilan ang suspek sa krimen, ngunit ayon sa kanyang opisina ay nakilala na ng isa sa mga ito.
Sinabi ni Bravo na hindi sangkot dito ang anumang drug cartel o kidnapping. Isa sa mga pari ay siyam na beses na binaril. Natagpuan ang dalawang bangkay ilang milya ang layo mula sa kung saan sila huling nakita sa Veracruz city ng Poza Rica noong Sabado.
Duda naman ang mga parokyano na dumalo sa misa para sa mga pari sa Our Lady of Fatima Church sa Poza Rica sa mga pahayag ng pulisya. Giit nila, talamak ang organized crime sa Poza Rica at marami ang napapaslan at basta na lamang nawawala.