“It is the environment we have to change.”

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Peace Adviser Jesus G. Dureza sa pag-upo niya sa “hot seat” ng Manila Bulletin kahapon para ibahagi ang pagsisikap ng pamahalaan na matamo ang kapayapaan at masupil ang kidnapping sa Mindanao.

Ayon kay Dureza, naging kabuhayan na ng mamamayan sa balwarte ng mga bandidong Abu Sayyaf ang kidnap-for-ransom.

“Kidnapping has become a cottage industry. Lahat nakikinabang sa ransom. Pagkakuha ng pera they (bandido) distribute the money. The whole community partakes. Kahit maglakad sila (mga bandido) sa gubat at may ma-meet sila, lahat ‘yun binibigyan. Kaya protektado sila ng komunidad.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Diin ni Dureza, hindi basta bomba ang sagot sa kidnapping sa Mindanao. Mayroon itong social component na dapat unang tugunan ng gobyerno tulad ng pagkakaloob ng kabuhayan at edukasyon sa mamamayan upang mailayo sila sa ganitong uri ng pamumuhay.

Ayon kay Dureza, sa mga komunidad na sakop ng bandido ay makakikita ka ng mga batang 11-12 anyos pa lamang ay humahawak na ng baril.

“They wake up into this kind of environment. No schools. No roads. Very remote areas. Government is not there. All they know is kidnapping.”

Hindi itinuturing ng mga residente na kakampi ang mga militar kundi kaaway.

“’Pag may pumasok na militar (sa lugar nila), lahat na ‘yan hindi kasali, mga baril, ready. Kasi they partake in the bounty… Kapag nakatanggap ng pera, bili agad ng baril. It is this environment that we have to address.”

WALANG RANSOM

Ibinahagi rin ni Dureza ang mga ilang kaganapan sa likod ng matagumpay na pagpapalaya sa Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad, na aniya ay dahil “we got the right connection” at “nag-cooperate si Nur (Misuari).”

Sinabi ni Dureza, sa simula pa lamang ng pagdukot sa tatlong banyagang bihag sa Samal Island noong Setyembre 2015 ay tumulong na siya sa negosasyon. Ngunit nahirapan silang makausap ang mga bandido dahil sa all out offensive ng pamahalaan laban sa mga Abu Sayyaf. Nang mapugutan ang mga Canadian hostage na sina John Ridsdel at Robert Hall, nawalan ng pag-asa si Dureza at bumitaw na.

Ngunit sa pagtungo niya sa Norway para sa peace talks nitong Agosto, nakausap niya ang pamilya Sekkingstad na umapelang tulungan sila. Bumalik siya sa negosasyon katuwang si Misuari.

Nilinaw ni Dureza na walang ibinigay na ransom dahil mahirap lamang ang pamilya ni Sekkingstad sa Norway. “As far as I know walang ransom.” (Chel Quitayen)