iza-copy-copy

NALUNGKOT ang mga nakabasa sa post ni Iza Calzado sa Instagram tungkol sa pagkakapanalo ni Lav Diaz sa 73rd Venice International Film Festival para sa pelikulang Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left). May kasamang picture ni Lav ang post ng aktres at excerpts sa interview nito.

Sabi ni Direk Lav: “We rented a cheap apartment in Venice. I even cooked the team’s meals during our seven-day stay. Ni hindi nga namin na-meet ang sinuman mula sa Phlippine Embassy nu’ng nandun kami.

“We were in the Main Competition of Venice. It was like the Olympics of cinema. In sports, medalists receive millions worth of incentives. They’re even given a house and lot. But why do filmmakers have to beg for support. Pag beauty contest nababaliw ang Palasyo at Kongreso. I am not complaining. I’m just saying...”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nag-post tuloy si Iza ng, “I felt so sad when I read this. Bakit nga ba ganu’n? Bakit parang kulang ang pagpapahalaga ng gobyerno, maging ng taong bayan, sa sining ng paggawa ng pelikula? Hindi lamang sa pelikula ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo na nanalo ng Golden Lion Award for BEST FILM sa Venice Film Festival pati na rin nang manalo si Brilliante Mendoza na Best Director para sa Kinatay at Jaclyn Jose ng Best Actress para sa Ma’ Rosa sa Cannes Film Festival. Hindi ko nararamdaman ang same level ng pride natin nang manalo tayo sa Miss Universe. Mawalang galang na kay Pia Wurtzbach, fan niya ako at super proud ako na nanalo siya, but I’m just stating my observation. Ang pelikula ay isang mahalagang bahagi ng ating sining at kultura. Sana ay pagyamanin natin at suportahan upang lalo tayong makagawa ng mga obra na magpapakita ng husay at tibay ng puso nating mga Pilipino. Mga pelikula, director at artista na maipagmamalaki natin sa buong mundo.”

May pahayag na si FDCP Chairperson Liza Diño tungkol dito at nabangit na inaayos na ng office niya ang incentive para sa team ng Ang Babaeng Humayo. Nasa Presidential Management Staff na raw ang sulat at ang proposal para organize ng grand welcome kay Direk Lav at ang mga kasama sa pelikula. Kasama na rito ang courtesy call kay President Rody Duterte.

Kaya lang, hindi pa raw umuwi si Direk Lav (malalaman kung totoo ito sa presscon kahapon ng kanyang pelikula) na tumuloy sa Boston dahil naimbitahan para maging fellow sa Radcliffe Fellowship.

“Harvard noticed my work. This institution values the role of art in society, so I was invited to be a fellow. I will stay in Boston for eight months, from September 2016-May 2017,” pahayag ni Direk Lav Diaz.

Anyway, mapapanood ng mga Pinoy ang Ang Babaeng Humayo dahil may commercial run ito simula sa Setyembre 28.

(NITZ MIRALLES)