Matagumpay na naisalba sa tangkang pagpapatiwakal ang isang 36-anyos na mister na umakyat sa 60-talampakan ang taas na puno ng niyog para tumalon doon matapos siyang awayin ng kanyang misis na nagbantang kukunin sa kanya ang kanilang mga anak sa Barangay Talon, Roxas City, Capiz noong Martes ng hapon.

Tumagal ng tatlong oras ang negosasyon ng pulisya para mapababa mula sa puno ng niyog si Crisanto Relato, na napapayag lang na bumaba matapos dumating ang kanyang misis at nangakong hindi na ilalayo sa kanya ang dalawa nilang anak.

Ayon sa imbestigasyon ng Roxas City Police Office (RCPO), nagdesisyon ang mag-asawa na maghihiwalay na at pinag-awayan nila ang kostudiya sa dalawa nilang anak. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar