NAAALARMA sa tumataas nabilang ng mga batang Pilipinong nagugutom, nangako si Vice President Leni Robredo na tutulong sa pagpapaunlad ng mga programang pangkalusugan ng gobyerno sa unang 1,000 araw ng buhay ng bata—mula sa araw ng pagsilang hanggang sa magdalawang taong gulang ang bata, iniulat ng Philippines News Agency.
Sa kanyang tulumpati sa 38th National Social Action General Assembly (NASAGA) noong Martes sa Leyte, sinabi ni Robredo na ang tamang nutrisyon para sa mga ina at sanggol ang isa mga prayoridad ng Office of the Vice President.
“We’re also looking at proper nutrition because healthy mothers give birth to healthy babies. We want to see infants amply nurtured by supporting the first 1,000 days. If they do not receive the right amount of care and nutrition, they are likely to be stunted,” pahayag ni Robredo.
Isiniwalat niya na 33.6 porsiyento o 3.5 milyong batang Pilipino ang nakararanas ng matinding gutom o kulang sa timbang.
“We have to support the first 1,000 days since it is too late to start feeding right food when they are in school.
The effect of stunting after the three years of life is already irreversible. Imagine the quality of life ahead...
All they can look forward to are years of limited potential or limited opportunity to rise above poverty,” dagdag ni Robredo.
Ipinagdiinan ni Vice President Leni ang tamang nutrisyon nang ipahayag niya ang tungkol sa “prospect and possibilities for church, state, and civil society organizations sustained partnership in the context of social justice and participatory governance.”
Maselang yugto ang 270 araw na pagbubuntis hanggang sa ipanganak, 180 araw mula nang ipanganak hanggang sa anim na buwan, at 550 araw bago magdalawang taong gulang ang bata.
Ang unang 1,000 araw ay tinawag na “golden window of opportunity”para sa pagtatayo ng pundasyon para sa paglaki ng bata, pagkatuto at maging matagumpay.
Ang NASAGA ay pinagsama-samang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines katuwang ang local counterparts sa iba’t ibang dioceses sa buong mundo.
Ang NASAGA ay sinimulan noong Setyembre 19 at magtatapos ngayong araw, na pinamahalaan ng Archdiocese of Palo, Leyte sa pangunguna ni Archbishop John Du.