HINDI lang si United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon ang nagpahayag ng pagkondena sa umiiral ngayong extrajudicial killings sa Pilipinas bunsod ng “bloody drug war” ni President Rodrigo Roa Duterte. Maging ang European Union (EU), partikular na ang Members of European Parliament (MEPs), ay kumukondena na ngayon sa EJK (extrajudicial killings).

Batay sa pinakahuling ulat, may 3,000 tao (drug pushers at users, inosenteng sibilyan) ang napatay sa police operations, ng vigilantes, at drug syndicates. Hanggang ngayon ay naninindigan si Mano Digong na walang makapipigil sa kanyang kampanya para sugpuin ang illegal drugs sa ‘Pinas at hindi siya titigil hanggang mapatay ang kahuli-hulihang pusher o user.

Sa Kamara, isinusulong ngayon ang isang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng terminong “extrajudicial killing”. Ayon sa may-akda na isang dating police officer na ngayon ay isa nang kongresista, hindi angkop ang terminong ito lalo na sa paglaban sa mga kriminal, terorista at kalaban ng gobyerno. May nagtanong pa nga kung may tinatawag na “judicial killing.” Malamang na aprubahan ito ng Kamara sapagkat kaalyado ni RRD ang Speaker at karamihan sa mga kasapi ng Mababang Kapulungan. Alam nilang “allergic” si Presidenti Rody tuwing babanggitin ang “extrajudicial killings”.

Batay sa mga report, ang mga miyembro ng EP o Members of the European Parliament (MEPs) ay nanawagan sa European Delegation na subaybayang mabuti ang “state of lawlessness” na idineklara ng Pangulo kasunod ng Davao City night market bombing noong Setyembre 2.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ganito ang pahayag ng EU: “MEPs urge the Philippine government to put an end to the current wave of extrajudicial executions and killings, launch an immediate investigation into them and adopt specific, comprehensive process and program in compliance with national and international obligations and respect for human rights”.

Kinalabit ako ng kaibigan kong palabiro at sarkastiko: “Baka murahin din ang MEPs ni Pres. Duterte. Allergic ang presidente sa bintang na extrajudicial killings ang ginagawang police operations. Baka matulad sila kina Obama, Ban Ki-moon, Philip Goldberg at Leila de Lima.”

Hindi na si De Lima ang tagapangulo ng Senate committee on justice and human rights. Ipinalit sa kanya si Sen. Richard Gordon. Tanong ng mga observer: Nawawala na ba ang pagiging malaya ng Senado na hindi basta-basta napasusunod sa kagustuhan ng sino mang pangulo? Tandaan na ang pangulo ng Senado ay si Sen. Koko Pimentel, ang pangulo ng partido ni RRD, ang PDP-Laban. (Bert de Guzman)