Magandang pagtatapos ang habol ng mga koponang maglalaban- laban ngayong hapon sa penultimate day ng NCAA Season 92 men’s basketball elimination sa San Juan Arena.
Magtutuos sa dalawang pares na no- bearing match ang Jose Rizal University at ang San Sebastian College sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng dating kampeong Letran at Emilio Aguinaldo College ganap na 4:00 ng hapon.
Mauuna rito, magtutuos din sa parehong no- bearing match sa junior division ang EAC at Mapua ganap na 10:00 ng umaga at ang JRU at San Sebastian ganap na 12:00 ng tanghali.
Magtatapos na panglima, tatargetin ng Heavy Bombers na isara ang kampanya sa pamamagitan ng pagsungkit ng kanilang ika-10 panalo.
Puntirya naman ng Stags na makamit ang ikawalong panalo para sa pagtatapos sa ikapito.
Kuntento na sa kanilang pagtatapos mula sa mababang 2-16 sa nakalipas na taon, tatangkain ng Generals na isara ang kampanya sa pamamagitan ng pag- abot sa ikapito nilang panalo. (Marivic Awitan)